-
THE ONE THAT GOT AWAY
May mga bagay talagang hindi mo akalain na hahantong sa ganitong sitwasyon. Ang buhay nating tao ay puno ng misteryo, hindi mo alam kung anong mangyayari sayo mamaya, bukas, at sa mga susunod pang mga araw. Masusurpresa ka na lamang sa mangyayari, maaaring magdulot ng saya o ng kalungkutan.
Bakit kaya may taong mag-iisang buwan mo pa lamang kakilala pero ang turingan niyo sa isa’t isa, parang halos isang taon na kayo nagkasama? Sadyang ramdam niyo lamang ba ang isa’t isa o pinagtagpo talaga kayo ng tadhana?
APRIL 26 (1:38 pm)
Fr: +639228243030
Gud day the ff crew are required to attend 2mrw at mcdo lyceum, in uniform. 7am
Cedric
jerico
gerald
john michael
ceazar
paula lyn
eunice
joan..Thankz po.
(exact text message)
APRIL 27
FOOD SAFETY AND SANITATION at McDonald’s Lyceum
(late)
Oo tama, late ako ng mga less than an hour siguro. Closer kasi ata ako the day before that, sorry naman ah. Pero bago ako pmunta diyan, ang nasa utak ko “sana may gwapo” para masaya magtrabaho. :)
Hindi nga naman ako binigo ni Lord, meron ngang gwapo.
Pero hindi ko siya nanotice at first kasi bago lahat ng muka nila sakin, ung isang girl lang ung familiar, c Pola. Nakiramdam muna ako sakanila bago nagsalita at nangulit.
Habang nag-aantay kami sa mga magtetesting ng mga equipments.
(crew room)
Boy: Siguro heartthrob to sa store nila (sabay turo sakin).
Ako: (speechless)
Hindi ko alam kung ano irereact ko kasi hindi ko pa kilala si boy tas ayun agad ung sinabi niya.
Habang abala na sila sa pagpreprepare ng mga gagamitin, nakipag-usap na din ako at nanuod sa mga ginagawa nila kasi puro sa counter lang ang alam ko. Dun ko nakilala si Kuya Ceazar na ex ni Pola (sorry kung chinika ko pa kayo dito), si Kuya Cedric (kuya crew chief dahil puno na ang nameplate ng stickers), si Kuya Gerald na napakatahimik, si Kuya John na matalino dahil galing PLM at ngayon sa ADU na din siya, at si Jerico (ang lalaking nakakuha ng aking atensiyon nung araw na yun).
Gutom na gutom na kami nung araw na un, siguro alauna na dpa din kami kumakain, kasi inaantay naming ung mga magffood testing. Nakapagdaldalan din kami ng kung anu-ano, kung ilan taon na kami, san nag-aaral, pati inasar sina Pola at Kuya Ceazar.
Nagkataon naman na may duty pa ako sa rob ng 2pm at c Jerico ng 3pm. Bago pa kami makakain tumawag kami sa mga store namin, as usual walang sumagot sa rob, buti pa sa p. campa may sumagot. Dalawa lang kami nun sa office, hindi ko nga alam bakit parang medyo nlalandi niya ako e, ung knukurot na parang nacucutan. Natanong niya kung ilan na daw naging boyfriend ko, basta medyo tungkol sa lovelife. Syempre ang ate niyo, NBSD, nagulat ako sa tinanong niya na.
J: Edi virgin kapa sa lahat, wala ka pang first kiss, ganun?
E: Oo naman.
J: Parehas pala kayo ng kakambal ko.
E: (shocked) may kakambal ka?
J: Oo.
E: Kamukang-kamuka mo din?
J: Oo naman.
E: (swerte naman ng kambal na to, sobrang gwapo pareho).
Tinext ko na lang ung scheduling manager naming pero parang ayaw ko na ngang pumasok nung araw na un e, gusto ko nalang magstay dun para makasama c crush ng matagal. Oo, unang kita plang namin, crush ko na siya (siguro hindi unang kita kasi umaattend daw siya ng mga crew assembly e kahit ndi ko siya napapansin, unang pag-uusap siguro). Nung mga 3:30 na niyaya na niya ako umalis, pasok na daw kami, hinawakan niya pa nga ako sa balikat na parang close na talaga kami, ako naman si babae, kinikilig. :)
Kilig Moments :>
Nung nagbabalot pala kami ng rice, napalapit ata ung muka niya medyo sakin kaya nasabi ni kuya Ceazar na,
C: Baka mahalikan mo si Eunice.
J: Hindi ako humahalik ng hindi ko kakilala.
Sa crew room
J: (pinatong ung left arm sa right shoulder ko).
E: (nagulat na medyo kinilig).
Naglalakad pa-underpass
Nagkwento si Jerico ng onti sa ex niya.
J: Bakit hindi ka pa nagbboyfriend? Siguro madami ka ng binasted na lalaki no.
E: Tsaka na kapag mayaman na ako.
Sabay bbye sa isa’t isa. Kasabay pala naming si Kuya Gerald, sa may gitna ng underpass kami umakyat, c Jerico sa kabila.
Sobra akong kinikilig nung araw na un, hindi ko maintindihan at mapaliwanag kung bakit. Kahit tanungin niyo pa si Tinay at Kuya Chan kung gaano ako kinilig sa pangyayaring un. Nakakabaliw.
Nga pala, kahit kinilig ako nung araw na un, may malaki akong problema, may sinasabi kasi siyang pangalan ng girl, Cindy, ilang ulit niya nabanggit un, kaya inisip ko girlfriend niya un. Ilang ulit ko inisip na ang swerte naman ng girlfriend nun sa kanya, ilang beses ko din inisip n asan ako na lang ung girlfriend niya. Kung ako lang girlfriend nun, ako na siguro pinakamasayang babae sa mundo. Ahahahah. Kapag naaalala ko nga ung kilig moments, natatabunan kapag naiisip ko na may girlfriend na siya. Sayang lang.